Sigurado ako isa ka sa mga nachakahan sa mga sinulat ko dito sa blog spot. Pasensya na hindi po ako magaling, nagkataon lang na may sudden adrenalin rush at kumibot kibot ang mga intellectual muscles ko sa katawan kaya nag sulat ako dito ng kung ano ano. Hindi ko mapigilan e. Sori na. Galit ka?
Alam mo totoo nga na sa paglipas ng panahon nag iiba ka ng preference kung dati gusto mo kulot, ngayon gusto mo rebonded na with cellophane pa para makintab, dati gusto mo payat ngayon kahit lumba lumba keri na, at kung dati lalake ka ngayon lalake na ang hanap. Ung tipong may konting kilig na din sa kapwa lalake. Haha.
Ako kasi first hand na experienced ko ang pag iiba ng sexual preference este ng life preference ko. Ung mga hilig ko ganyan. Before kasi mahilig ako mag sulat na English ang gamit na medium siguro dahil na rin sa influences ko simula pa nung bata ako. Lagi kasi ako nagmamaganda sa school namin na katulad nga ng sabi ko sa previous blog na kahit formal theme lang e feeling ko creative writing na. Pero in just a snap iba na, ngayon gusto ko na at tinatry ko naman na magsulat sa paraan na mabilis maiintindihan ng mga nagbabasa kung meron man, ung makakarelate sila dahil mas familiar sila. Hindi ko naman sinasabi na hindi nakakaintindi ng english ang mga readers pero diba mas masarap sa mata kapag tagalog ung binabasa mo? Aminin mo! Or else explain the Theory of Evolution by Charles Darwin using 3 yellow pad papers back to back. Mamili ka na lang.
Nagtanong ako sa friend ko na maganda ALMA MUROS name niya, dati siyang Filipino Editor sa University paper namin nung college pa kami at magaling siya magsulat ah. As in! bongga talaga. Tinanong ko siya kung ano ba ang dapat kong gawin para makapag sulat ako ng maayos na tagalog ang gamit ko. Ang sabi niya maganda daw ako. De joke lang. Ang sabi niya talaga hot ako. Haha joke ulit. Eto seryoso na, sabi niya mag basa daw ako ng mga tagalog books para at least magkaron ako ng idea sa pattern nila ng pagsusulat. Familiarity daw kasi ang key para ma-penetrate ko ang Filipino Literature. Pero alam ko naman na joke niya lang lahat un, ineechos lang niya ako ayaw niya talaga ako magsulat ng tagalog wag daw akong ambisyosa. Haha.
So un nga nagbasa basa ako ng mga libro nila Wanda, Bob Ong, Ricky Lee, Jay Panti at Ilang blogs sa net para magkaron ako ng concrete idea kung anong gagawin. Secret lang pero ung apat nauna hindi ako bumili ng libro pumupunta lang ako ng National Bookstore para maki libreng basa sa mga libro nila. Kahit na minsan masama na tingin sakin nung guard kasi ‘No private reading na daw sila’. Wala e, wag siyang magulo alam ko naman na hindi lang ako gumagawa nun kahit siya gawain din un. Pero nagkaroon pa din naman ako ng chance na mabasa sila sa totoong buhay salamat kay ALMA MUROS na pinahiram ako ng libro kaya nadigest ko ung mga kwento.
Shock ako kasi, competitive pala ang Filipino Literature. Marami pala tayong magagaling na writer na nag eexist. Hindi ko namalayan kasi busy ako sa pagbabasa ng mga libro na gawa ng ibang lahi. Ang lansa ko, amoy niyo ba? --- Infairness, right after kong mabasa ung ilan sa mga libro. Nakapag sulat na agad ako ganun pala no? para akong sasakyan na nafull tank. Hindi ako magkanda maliw sa dagsa ng mga ideas kaya dapat itype ko na agad baka mawala pa at liparin.
Good thing, nag evolve na ang pamamaraan ng pagsusulat. Hindi na mortal sin kung mag taglish ka man, bisaya, bicolano, kapampangan, Ilocano, panggalatok, tagench (tagalog-french), taganese (tagalog-japanese) o tagchin (tagalog-chinese) kahit ano pa yan basta magsulat ka at hindi maiiyak ang mga magbabasa wala na daw sila pakeelam.
Ngayon parang naiintindihan ko na kung ano ang gusto palabasin ng mga echuserang writers. Way back then kasi, iba pa thinking ko nagsusulat ako para sa sarili ko, dahil gusto ko lang. Dahil cool magsulat, sikat ako sa school at napapatunayan kong matalino ako dahil hindi lahat ng classmates ko e kayang gawin un. Pero ngayon, iba na nagsusulat ako para maintindihan ng readers (kung meron man) ang mga pinagsasabi ko kahit walang kwenta, ung hindi na katulad dati na kapag may pinapabasa ako no comment, nakanganga o nagpupunas ng dugo sa ilong. Kahit magkaron akong maraming haters, o bad comments dahil sa mga isinusulat ko ayos lang kasi alam ko binasa nila ung blog ko. Alam ko na naintindihan nila ang mga sinulat ko. Proud ako, kasi this time around hindi na ko nagsusulat dahil gusto ko lang, o dahil tingin ko cool at matalino ako. Nagsusulat ako dahil gusto kong maintindihan at basahin ng iba. Ngayon proven na ba na in time nag iiba talaga preference ng tao? Kung hindi pa din explain the Theory of Molecular orbitals in not less than 4000 words using 3d presentation. Haha.
Question: Ano ang gender ni ALMA MUROS?
a. bading
b. baklush
c. a
d. a and b
e. all of the above