One thing I’ve noticed, malakas talaga impact ng MMDA sa transportation cycle ng manila, imagine konting kembot lang nila nagkakagulo na ang mga tao. Whatever their new amendment is siguradong pasok sa plangganang butas na magttraffic at mag kakaroon sila ng million million na haters hindi followers katulad sa twitter.
Katulad ngayon strictly enforced na ung ‘yellow lane’ rule kaya naman ang mga commuters sa EDSA nagkagulo. Normally, after work mga 15 minutes lang ako mag aantay sa train makakasakay na ko, but this week is different halos isang oras na ko nag aabang hindi pa din ako nakasakay ng train dahil siksikan north or south bound man. Sobrang daming tao, kung pwede lang kahit sa bubong sumakay malamang puno din don. Napansin ko din, sa mga bus stop ung mga tao jam pack. Para na silang mga langgam sa dami nilang nag aabang ng bus.
Feeling ko lang ah, sa opinion ko lang dahil blog ko naman to. Haha. Hindi na yata applicable satin ung yellow lane. Imagine 23 years na (kasing age ko pa) simula nung naipasa ung ordinance about yellow lanes, of course maraming ng pagbabago. Ung dami pa lang ng nag-ooperate na bus sa EDSA questionable na kung kasya ba kahit ipagpipilitan at ipagsisiksikan sa yellow lanes na yan, given pa na bawal sila dumaan sa flyovers at tunnels. Ano na mangyayari? Ilan ba ang total population ng commuters compared to private vehicles? Mukhang sa bagong policy ng MMDA private sect lang ang nakaka enjoy dahil bukod sa pwede na sila magdrive ng 140kph, makakapag lamyerda pa sila after work. Iba e! may sasakyan sila.
Marami talagang galit na galit na commuters, dahil ang akala nilang mapapabilis na byahe iba ang kinalabasan. Idagdag pa ang pagiging inconsistent ng MMDA dahil 2 days after ma implement ang fabulous yellow lane ay nag issue ng memorandum na pwede na dumaan ang provincial buses sa 3rd lane at ang city buses pwede sa flyovers kung rush hour. Meron pang ‘closed-door policy’ na dapat i-observe ang designated loading and unloading zone and buses only have 25 seconds to stay on a particular station. Failure to do so, may fine ang bus operator or ang driver. Pwede din hati sila kung love nila ang isa’t isa.
Alam mo hindi naman ako against sa MMDA, pero isa ako sa mahihirap na commuters na nagbabayad ng buwis na walang reklamo. Kaya sana in return, quality service. Pag aralan muna mabuti, kasi hindi lang tao ang apektado pati ang trabaho.
No comments:
Post a Comment