Monday, July 23, 2012

para kay ponyHEADtail



“May quota ang pag-ibig sa bawat limang umiibig isa lang ang nagiging maligaya” –- Para kay B, Ricky Lee


Sa totoo lang nung una kong nabasa yan, naisip ko kung may quota nga ba talaga ang pag-ibig. Kawawa naman ung apat, walang karapatang lumigaya flirt flirt lang daw ganyan pero walang true love. Ayoko tuloy maniwala dahil baka pati ako delikado baka isa ako dun sa apat na iiyak. Well, mukha nga.


Move on girl---- yan ang madalas kong marinig sa mga makikiri kong kaibigan na hindi ko malaman kung may kasarian ba talaga. Hindi naman talaga ako pala kwento sakanila ng tungkol kay “ponyheadtail” updated lang sila sa lovelife ko dahil may pakpak ang mga tenga nila. To be honest di naman naging masama ang almost 2 years namin na magkasama, in fact naging daan un para makilala ko at maexplore ko pa ang sarili ko. 


Hindi niya ako binago, hinayaan niya lang ako mag adjust sa paraan na gusto ko, sa paraan na alam ko at sa paraan na kaya ko. Pina realize sakin na hindi pwedeng gusto ko lagi ang masunod, na matuto akong iconsider ang feelings ng ibang tao lalo na ng partner ko, na wag ko siyang takutin dahil matagal na siyang takot at idagdag pa na walang kalulugaran ang pag mamaganda ko dahil hindi naman daw ako maganda HOT lang. Hindi masama, pero hindi din madali. 


Alam na alam niya ang topak ko, ang baho ng utot ko, ung amoy ng kili kili ko at kung ano ano pang hindi mo maiimagine na bumubuo ng personality ko. Siya na yata ang may pinakamahabang pasensya sa balat ng universe kasama na undead. Minsan pa nga titignan ko lang siya alam na niya kung ano nasa isip ko. Kakaiba talaga. Walang katulad at siguradong hindi mapapalitan.


Pero sa lahat ng yan, there is this one thing kung bakit siya outstanding un ung pagiging concern at pagmamahal niya sa mga kapatid ko. Pumupunta siya sa bahay para ipagluto kami ng mga kapatid ko, bago mamalengke tatanungin niya muna sila kung anong gusto. Lagi sila nagbobonding na parang invisible na ko. Alam mo, mas mahal na nga nila si “ponyheadtail” kesa sa akin e pero I’m not envious instead I am overwhelmed kasi alam ko hindi lang ako ang aalagaan niya pati mga kapatid ko.


Kaya lang, lahat yata ay temporary lang. May katapusan talaga ang lahat ng bagay.  Sometimes no matter how great love is napapagod din pala. Nauubos din pala ang pasensya. I overdone things and underestimate him. Then ayun na! Alam mo na! 


Things became really shaky after we break. Kahit na tinry ko madivert attention ko nagpaligaw at nakipagdate pero walang nangyari. May point of comparison kasi, unfair ako totoo kasi lahat na lang kinocompare ko sakanya. Ewan ko pakiramdam ko kasi a part of me flew, feeling ko may kulang na sa pagkatao ko at alam kong hindi na babalik. 


Siguro masyado ako nasanay sakanya kaya ngayon tuloy, I can’t get myself out of that black hole scourge with different questions bragging in my head. Nagtatanong what went through? If only I could turn back time and fix stuff. I won’t hesitate no more. Kaya lang sobrang tagal na, baka at this very moment my iba na siyang pinagluluto.


Huuu! Nakakangawit pala to ng ¼ no? Siguro nga may quota nga talaga ang pag-ibig at kasama ako sa apat na taong mayroong tragic love story, na hindi makikita ang one true love instead right love lang. Hopefully, hindi pa huli ang lahat baka pwede pa magchange character sa script at ako ang nag iisang liligaya sa bawat limang taong umiibig. Shet na quota yan! Haha.




PS. Thank you Mr. Ricky Lee para sa libro mo na “Para kay B” nakapagsulat ako ulit dahil sayo. 




2 comments: