Ayoko na sana sagutin dahil nga hindi ko naman na ginagamit un, pero sabi ni ROSSalinda sagutin ko. Im very sure kung sino ung nasa kabilang line. Un na yata ung boses na hindi ko makakalimutan kahit na kalian, walang katulad, walang kaparis at walang papantay. I’m sure nabasa mo yan sa previous blog ko so may clue ka na kung sino kung binasa mo talaga.
That moment parang sasabog ung dib-dib ko, hindi ko sure kung dahil lang ba sa gulat o dahil sa matagal ko ng inaantay na tumawag siya ulit. Saglit lang ung pag uusap namin, kasi maarte siya. Naistorbo na daw niya ko. Kung alam lang niya, na ilang araw ko na iniisip pano kami mag uusap. Kung paano ko siya macontact ulit at kung pano ko sasabihin na “sorry magbalikan na tayo”. Kaya lang, hindi pa yata ganun kalaki ang lalamunan ko para lunukin ang walang kwentang pride ko.
I don’t have any clue kung bakit tinatawagan niya ko, gusto na ba niya makipag balikan? Bakit hindi na lang niya sabihin agad. Wala naman problem sakin, in fact matagal ko na din na inaantay na sabihin niya yun. Ayoko lang naman na sakin manggaling dahil kahit papano babae pa rin naman ako at ayokong isipin na naghahabol ako.
Ang hirap pa dito I don’t know exactly what I’m heading at. Kung mag move on na ba ako at kalimutan siya completely. I’m trying pero everytime na I’m decided to fetch things up biglang may mangyayaring ganito. Tatawag siya at mababaliw ako ma o-obsessed sa idea na magiging ok pa kami. Na mababalik pa sa dati ang lahat.
Nakakatawa pero totoo, magulo kaming dalawa. Siguro ayaw na niyang lumunok ng pride katulad ng paglunok ni darna ng bato. Kasi nga naman matagal na niyang ginagawa yun, wala naman siyang super powers para ma endure ang kasamaan ng ugali ko. Sana lang this time sabihin na niya kung ano gusto niya, para na kaming ecosystem pabalik balik, pa ulit-ulit lang, though ok na rin sakin kasi alam ko hindi siya mabubuhay kung mawawala ako sa chain of life niya.
No comments:
Post a Comment