Monday, July 16, 2012

One text makes the world go DOWN


SMS received
 "Baka sa katapusan lumipat na ako dyan"

----

No choice, lumipat na nga si papa sa PALASYO ko. Hindi ako masaya, hindi talaga! Ewan ko ba hindi na ako komportable na kasama siya sa iisang bahay. Para akong sinasakal, hindi na din masarap tulog ko, irritated ganyan. Feeling ko na invade privacy ko, kasi naman 6 years kaming nabuhay ng mga kapatid ko na hindi naman namin siya kasama. Sabagay kahit pala before sa QC pa kami nakatira at kasama pa  namin siya hindi ko rin naramdaman, HINDI KO NARAMDAMAN na may kasama akong tatay.

Maliit lang bahay namin, apartment lang. Pero tinatawag kong palasyo kasi solo namin magkapatid, nagagawa namin lahat (hindi kasama yang iniisip mo). Ok naman kami ng kapatid ko kahit dalawa lang kami sa bahay. Oo minsan nag-aaway kami pero hindi naman talaga mawawala un. Never namin naisip na may kulang, kasi we make things work both ways. Ako ang nanay, tatay, ate, kuya, bestfriend, kapitbahay, pet, at katulong. Yes all levels at the same time na violate ko na nga ang isang quality of matter ung impenetrability na two bodies cannot occupy the same space at the same time. Oh diba? kabog! 

Sabi ni mama uuwi na daw siya this november and I'm certain na nalaman ni papa un kaya siya umuwi bigla samin.  I just can't stand the fact na after lahat ng ginawa niya ganun na lang. Ano un? wala man lang sorry? erased na lahat ng ginawa niya? How can he easily forget? Sana binigyan niya din ako kung ano mang gamot sa limot para makapag move on na din ako sa lahat ng nangyari before. 

To make the story short, nandito na nga si papa. Wala din naman ako nagawa, hinayaan ko lang siya magstay dito. Isa lang naman ang dahilan --- hindi naman kasi ako bastos. Hindi ako pinalaki ni mama para lang maging bastos. Ngayon kapag kinakausap niya ko, kinakausap ko din naman siya. After all tatay ko pa din naman siya baliktarin ko man ang mundo, galing pa din ako sakanya. Pero hanggang dun na lang, hindi ko kayang ibigay ang pagmamahal na dapat binibigay ng isang anak sa kanyang tatay. Hindi ko kaya magbigay hindi dahil madamot ako, hindi ko kaya magbigay dahil sa buong buhay ko hindi ko rin naman naramdaman kung pano mahalin ng isang tatay.


PS: Hindi ko pala siya nireplyan sa text niya. 

No comments:

Post a Comment