Wednesday, August 1, 2012

3 MARIA


May tatlo akong friend ung isa si ROSSalinda savior ko, si ALMA MUROS na adviser ko at si VALentina na…… basta friend ko siya. Haha. Lahat naman sila magaganda pero sa iba ibang paraan. Ayoko na lang iexplain pa at baka may sumama ang loob, mahihirapan lang ako ijustify kung pano siya naging maganda.

Si ROSSalinda toyoin, madalas sumayaw ng pang sexbomb, literal na maganda ang hair, cameraman ng dalawa kapag nagbabalita at NBSB kung ano man yan ask mo na lang siya pm mo ko bigay ko sayo number niya. Masyado kasing choosy e,  di naman kagandahan. Haha.  Pero totoo choosy nga siya, ayaw niya ng kung sino sino lang. Gusto pa yata ung artistahin, ung mabango ung ilalim. 

Si ALMA MUROS naman tahimik, antukin, conservative konti, frustrated sa buhok na parang barb wire at pinaka slow of them all. Oo nga pala NBSB din siya kasi naman isa pang choosy ayaw daw niya ng mas babae pa sakanya. Madaming nanligaw pero walang sinagot kasi nga mga mas bakla pa sakanya. Pero alam mo ba? Very patient siya kasi ba naman 7 years na, imagine PITONG TAON! Hahaha.

Si VALentina naman ang extreme sa tatlo, liberated, modernized p*ta nga daw siya e, kahit sino ok na para sa one night stand. Haha. Malandi e. Walang duda. Pero wag ka kahit anong ginagawa niya basta nagtext si glydel sakanya sigurado mawawala na yan sa focus nanginginig pa. Ganun yata talaga kapag may ASIM pa. Hahaha.

Nakakasakit lang sa loob na sa tatlong yan wala man lang kahit isang nakajack pot sa love life. Ung masasabunutan mo kasi ang sweet nila ng jowa niya. Daig pa nga ng mga chaka na kaliwa’t kanan ang kalandian. Ano bang meron sila na wala ang tatlong prinsesa ko? Ganun na ba labanan pachakahan?

Alam ko in some way malungkot sila, nakikita ko at nararamdaman ko. There is something lacking na alam kong hindi ko kayang ibigay. Malabong maibigay ko talaga at kahit naman ioffer ko pa masusuka lang silang tatlo sakin. Sana lang dumating na ung time na hindi na one sided ang point of existence ng mga friends ko. Hopefully, when that time comes sana comparable or mas pa sa pagmamahal ko sa tatlong maria na to ang mahook nila. Dahil kung hindi…. Wala! Wala naman akong magagawa sasamahan ko na lang sila umiyak tatlo!  

No comments:

Post a Comment