Friday, February 3, 2012

Almost


     We decided to eat dinner and talk things up. I held his hand and said, I’ve got something to tell you. He sat down and started to stare at me. Suddenly, I didn’t know how to say it but I had to let him know what I was thinking. I raised the topic calmly. He didn’t seem to be annoyed by my words, instead he asked me softly, why? I avoided his question. This made him angry and said “You’re very unpredictable! I already gave you everything, what do you still want me to do?”  

     That night, we didn’t talk to each other. I knew he wanted to find out what had happened to our relationship but I could hardly give him a reasonable answer; I had lost my heart to a munificent man. I GUESS I didn’t love him anymore.

      With a deep sense of guilt, I texted him that he could still visit me after a week besides if things won’t work we can still be friends after all. The man who had spent 2 years and 10 months of his life with me had become completely stranger. I felt sorry for his wasted time, energy and love but I could not take back what I had said. The idea of breaking up with him which had obsessed me for several weeks seemed to be firmer and clearer now.

      The next day, I came back home very late from work and went straight to sleep and fell fast asleep because I was tired after an eventful day with my students. When I woke up, I was shocked seeing a bunch of Callalily flowers around the house while he’s standing next to the door staring at me smiling, teasing me. Things became tricky I rushed into him and hugged him saying “NAKAKAINIS KA! NAKAKAINIS KA TALAGA, HINDI NAMAN KAYA AKO NATUWA” and he just answered me back “I LOVE YOU, KAHIT NA TOYOIN KA PA!”

Thursday, February 2, 2012

Dilemma

May 2010 pa ko gumawa ng blog site pero hindi ko man lang naisip maging productive, ewan ko ba parang nawala na sa sistema ko ang pagsusulat kasabay ng pag kawala ko sa ulirat. 

Sabi nila mama bata pa lang daw ako mahilig na ko magbasa at magsulat madalas pa nga daw ako umeepal sa mga pinsan ko kapag gumagawa ng assignments o projects naconfuse tuloy ako bigla kung mahilig nga ba talaga ako magsulat o gusto ko lang mang inis ng mga pinsan ko na halos isubsob na ko sa cake sa kaepalan ko. 

Natatandaan ko pa kapag may family reunion kami noon o kaya Christmas Party, syempre bigayan ng regalo at dahil bata excited naman ako. Nag umpisa ng magtawag si Nanay (scientific name ng thunderets na bilat na mudang ng mudrakels ko in short lola ko), paglapit ko inabot ko agad ang regalo with matching nginig nginig pa ng kamay. Ayan na buksanan na! ano kaya laman? kinapa ko pa kung ano? malakas ang pakiramdam ko na baril barilan ang makukuha ko, kaya lang pag bukas ko CHARAN! Libro ang laman. Masaya din naman ako konti, konti lang! yun kaya ang unang libro na niregalo sakin, bukod sa mga libro nila mama na hinalungkat ko pa sa baol noon dahil may mga makukulay na drawing sa cover page. Pero maiba hindi po ako bitter sa pagkakatanggap ko ng libro. Haha!

December na ulit at syempre di pa rin ako nawawalan ng pag-asa, minsan din pala tumira ako sa barangay pag-asa kasi excited pa din ako makatanggap ng baril barilan ung nilalagyan  ng bala sa loob na color black at kung malas malasin  pwede mo na gamitin ung mint candy na bilog bilog para maging bala (Ay! hindi makarelate) Haha.Anyway, yan na nga gift giving nanaman hulaan mo ano niregalo sakin???? #@$%^%^&#^()_*^$@%^_)^@ syempre libro. Ewan ko ba anong  impression ang naibigay ko sakanila bakit hindi sila nagsasawang bigyan ako nun.. Chineck ko ung mga pinsan ko at kapatid ko meron nakatanggap ng damit na chaka kasi floral,may barbie na hindi ko naman bet, may robot na gumagalaw galaw na parang bakla at ang pinaka gusto ko sa lahat baril barilan. Pellet gun pala ang tawag dun. Infairness kuya ko pa ang naregaluhan kaya kumislap kislap ung mata ko "Yes! pwede ko hiramin.

The next day, binabantayan ko si kuya baka mag sawa na agad at mapahiram ako. Kaya lang nakahalata siguro ang hitad na beth tamayo ko ung pellet gun, binawalan ako agad na hindi ko pwede hiramin yun at pang lalake daw un edi mega exit naman ako sa scene para kunwari susunod ako. 

Siesta time at sa mga batang katulad ko required ang matulog ng tanghali kahit tirik na tirik ang araw para daw mabilis kami lumaki, na hangang ngayon naman hindi ko pa rin maintindihan at masearch sa google ang scientific explanation nun. Ako naman bilang si juday  ginamit ko powers ko syempre ang "tulog tulugan school of acting" ng maramadaman kong tulog na sila pati si mama, sumilip ako sa hagdan nakita ko pa si kuya nakahiga sa sofa. Yes! pagakakaaon ko na, dahan dahan naman akong bumaba para icheck kung nasaan ung pellet gun ni kuya, baka nasa tabi niya pa at hinehele. Pero wit ang beauty  ng baril barilan ay nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Hinawakan ko na agad ung pellet gun, kaya lang nabitawan ko din  dahil sa pagkagulat bigla kasing nagising si kuya tumingin pa sakin nyay! takbo agad ako paakyat ang nakakagulat pa bumangon siya tapos kinuha niya ung pelletgun at binaril ako sa binti habang paakyat ng hagdan. Ang sweet niya no? haha.

Maraming christmas pa ang dumating  pero ung pagka gusto ko sa pellet gun hindi pa din nawala though hindi na ko umaasa na may magreregalo pa sakin nun, kasi naman consistent ang natatanggap puro libro. Minsan pa si ate may regalo din samin, kay ghe remote control na kotse si nikka naman sailor moon na umiikot ang ganda parang trumpo hihilahin mo tapos lilipad na agad. Pero ako, huh kakaiba ang gift sakin ni ate natouch nga ako e kasi binigyan niya ko ng Richard Bacht na series at isang planner. Oh diba? bagong bago? 

Nung araw din na yun, ewan ko anong pumasok sa isip ko pero napagtripan ko ung mga laruan ng kapatid ko, ung mga barbie niya ginupitan ko ng buhok ginawa kong dora, ung gabbage pot naman niya sinulatan ko ung mukha. Feeling ko parlorista ako e bakit ba?
Nalaman ni mama ung ginawa ko syempre kinausap ako ni mudang sabi pa niya "Anak alam mo ba ang ganda ganda mo" haha. Charot hindi yan ung sinabi niya. Eto na totoo na.



Mama: Anak? Kawawa naman kapatid mo pinaiyak mo.

Ako: ......

Mama: Alam ko naman na gusto mo lang hiramin un at ayaw mo naman talagang sirain.

Ako: (Kung pwede ko lang sabihin na pinlano ko talaga un) haha. Pero tahimik pa din ako.

Mama: Alam mo ba dati andami nagsasabi na para kang autistic kryz (sabay tawa) pano ba naman kasi maghapon ka lang sa bahay, lagi ka nakaharap sa tv or nagbabasa, hindi mahilig makipag laro kahit sa mga pinsan mo. Ayaw mo pa ng maingay. Nasa isang lugar ka lang  palagi nag oobserve. Sabi ko nga sakanila tamad ka lang kumilos.

Napatingin na ko kay mama dahil sa mga sinabi niya, kaya naman pala iba ang treatment sakin kumpara sa ibang bata ganun naman pala dinadrama ko sakanila. 

Mama: Kaya alam mo nung nalaman ko ung ginawa mo sa mga laruan ng kapatid mo, natuwa pa ako kasi alam kong normal ka naiinggit ka din naman pala sa normal na mga bagay sa paligid mo. Alam mo anak, ienjoy mo ang buhay. I feel mo ang childhood mo kasi un ang pinaka masaya. 



Feeling ko naka microphone si mama nung sinasabi niya un, ang lakas kasi tapos nag eecho pa. Kaya after nun inenjoy ko naman, iniinis ko lagi ung mga kapatid ko. Minsan pa nga kinurot ko si nikka ng malakas tapos nung iiyak na siya inunahan ko, lumapit sila mama ano daw ang nangyari sabi ko kinurot ako ni nikka. Haha. Ung kapatid ko tulala na lang siya sakin sa gulat, dahil naunahan ko pa siya umiyak e siya naman ung nasaktan. Ewan ko ba kung defense mechanism ko lang ung pang iinis ko sakanila dahil  bukod sa hindi ko nakuha ung pellet gun na gusto ko nabaril pa ko sa binti.

Lahat ng frustations ko nabaling ko sa pagsusulat kaya elementary pa lang ako nagsimula na ko magsulat ng kung ano ano. Kahit kapag may assignment kami or school work lalong lalo na ung formal theme moments nako nagmamaganda ako. Kahit ang topic lang e new year's resolution feeling ko creative writing na. Meron pa nga dahil sa pagsusulat ko e nareklamo ako sa office namin nung high school, sinabi ko lang naman na ung teacher namin e nagbebenta ng kung ano ano sa room candy, bubble gum, chocolate, chichirya, lipstick, bra, foundation may mga tocino at hamburger pa para kaming palengke kapag siya na pumapasok sa room. Hindi naman kami nagmamajor ng Business Administration or Marketing dahil wala naman business subject ng high school pa lang. Eto pa plus 10 or exempted sa quiz kapag bumili ka, oh diba? san ka pa? pero secret lang bumili din ako sakanya ng chocolate dati.

Ewan ko nga bakit pagdating ko ng college nawala na ang hilig ko sa pagsusulat, parang nawala ung urge na magmaganda.  Nawala na lang ng kusa sa sistema ko kasabay ng pagkawala ko sa ulirat, hangang ngayon kasi napapatigil pa ako with slow motion background kapag naalala ko ung sinabi ni mama "I feel mo ang childhood mo kasi un ang pinaka masaya". Tuwing naiisip ko yan laging flat affect, o dead end. Wala ng kasunod, parang black hole na any moment hihigupin ka na lang bigla.Anyway. isang beses lang naman dumadaan ang childhood sa buhay ng isang tao, sad to say yang  isang beses na yan nalaktawan ko pa.







Wednesday, February 1, 2012

Father and daughter


"He didn't tell me how to live; he lived, and let me watch him do it". 
~Clarence Budington Kelland

I always read and hear a lot of astounding stories from either a daughter or a son about their father. It was quite a heartwarming and uplifting stories I burned with envy. I've been trying to understand him but it seems that he only brings dissappointment in life rather than someone I can look up to. I can't even recall any single moment that he really fulfill his responsibility as a father, I know it is not healthy to harbor these kind of feelings against my father ,but it really makes me uncomfortable seeing him living such contended life while my mother and I grasp the responsibility that he ought to meet. 

Before, when I was able to thoroughly apprehend our family setting, I was so afraid to ask my mother about her plans on what to do next or even how we can be able to get rid of that man (my father). I was so afraid for she will blame herself of my father's shameful deed or will just give me answers that could only tailored the level of my understanding that time. I don't want to complicate things for her, or even taint my questions with my negative feelings towards my father that is why I chose to pretend as if I am not aware of what is happening  and up until now my mother's silent grief is still fresh and haunting why things never worked out.

I know writing and posting this kind of stuff was highly improper and disturbing but this could be the only cure for a malignant animosity towards my father. Anyway "TIME HEALS ALL WOUNDS" right? haha. A BIG FAT LIE! As of now, I am trying to observe utmost modesty whenever he's around, besides he's still my father. It would also probably a brilliant idea if I would prefer to be more discreet whenever I feel extremely uncomfortable with him.

YOU ARE LUCKY YOU HAVE SOMEONE TO GREET "HAPPY yourownFATHER'S DAY "